Pinay na nasawi sa lindol sa Taiwan, nakita na
- Feb 9, 2018
- 1 min read
Nakita na ang bangkay ng isang Pinay na namatay dahil sa naganap na lindol kamakailan sa Hualien sa Taiwan. Ayon sa ulat ng bomboradyo.com, kinumpirma umano ni Filipino community president sa Hualien na si Loida Salazar Hu na ang labi nga ni Melody Albano Castro na tubong Abulug, Cagayan ang nakita ng mga rescuers sa Taiwan.

Dagdag pa ni Hu, ipinakita rin sa telebisyon sa nasabing bansa ang balita ng pagkakatagpo kay Castro. Noong nangyari ang lindol, nasa hotel umano si Castro dahil ang amo niya ay nagtatrabaho rito. Bagama't nakalabas nang buhay ang kanyang amo, hindi umano nagawang makalabas si Castro dahil bumagsak umano ang isang bahagi ng silid kung saan siya naroroon. (artikulo ni Dave Calpito)






Comments