Matitinik na Jokes (Tayo Na't Humalakhak)
- Jan 21, 2018
- 3 min read
Walang Bad Words Teacher: Juan, ano'ng sinabi ng mga magulang mo nang makita ang grades mo? Juan: Lahat po ba o tatanggalin ko yung mga bad words? Teacher: Tanggalin mo yung bad words. Juan: Wala naman po.

Pinatawag Galit na umuwi ng bahay ang anak… Anak: Nay, pinapatawag kayo sa school! Nay: Bakit? May ginawa ka na namang kalokohan? Anak: Hala, bakit ako? Baka kayo. Kayo pinapatawag, diba? Buddha A fat lady asked her bf what she looked like. The boy replied: "You look like a GOD." The fat lady smiled, giggled and blushed, then asked “Sinong GOD? Aphrodite? Venus? Who?" The boy looked deeply in her eyes, touched her belly and said: "Buddha". Tawag Ng Pasahero Lumulubog ang barko... Pari: San Pedro! San Jose! San Juan! Madre: Sta Maria! Sta Clara! Sta. Lucia! Chinese: Anu ba yan! Lubok na nga barko tawak tawak pa kayo ng pasahero! Historical Man1: Away kami ni misis, nag-Historical siya. Man2: Pare baka ang ibig mo'ng sabihin ay nag-Hysterical. Man1: Hindi, historical kasi inungkat lahat ng kasalanan ko! Exchange Places Employee: Bboss pwede bang ako na lang ang papalit dun sa pwesto ng manager natin na kamamatay lang? Boss: OK lang sa akin na ikaw ang pumalit sa kanya, ewan ko lang kung papayag ang punerarya. Pakisilip Nga Namatay ang isang mister na babaero. Sa requiem mass, ito ang sinabi ng pari: "An honest man, a good man, a family man," et cetera. Binulungan ng biyuda ang panganay na anak, "Pakisilip nga ang kabaong kung ang daddy mo nga ang nasa loob!" Mababaw Na Ilog Tinanong ng lalaki ang isang bata sa tabi ng ilog. Lalaki: Boy wala bang tulay para makatawid sa kabila? Bata: Wala po eh. Lalaki: Ganun ba? Eh kung tawirin ko yang ilog, pwede kaya?! Bata: Opo, mababaw lang 'yan eh. Lalaki: O sige, salamat ha. Bata: OK lang po. Tumawid ang lalaki pero muntik nang malunod. Lalaki: Boy, akala ko ba mababaw lang yang ilog? Bata: Oo nga po mababaw. Lalaki: E muntik na nga akong malunod. Bata: Mababaw po yan. Tumawid nga po yung itik diyan kanina eh.

Anniversary Gift Misis: Dear, anong gift mo sa 25th wedding anniversary natin? Mister: Dadalhin kita sa Africa. Misis: Wow! Ang sweet mo naman. Eh sa 50th anniversary natin? Mister: Susunduin na kita! Hindi Tagarito LASING 1: Pare, ang bilog ng buwan! LASING 2: Di 'yan buwan, araw yan! Tanungin natin sa ale. Miss, araw ba 'yan o buwan? GIRL: Di po ako tagarito!

Birthday Pedro: Pre, kelan birthday mo? Juan: August 30. Pedro: Anong taon? Juan: Siyempre taun-taon! Alangan namang sometimes di ba? ‘Gentleman’ JUAN: Alam mo, ayaw na ayaw kong makakita ng nakatayong babae sa bushabang ako eh nakaupo! PEDRO: Kaya pinapaupo mo? JUAN: Hindi, natutulog ako! Pwede Na JUAN: Dok, ako po yung pasyente nyo LAST YEAR! DOC: Oo naaalala ko! May problema ba? JUAN: Itatanong ko lang po sana kung pwede na akong maligo. Nahihiya Inay: Anak, hindi ka ba nahihiya? Linis ako nang linis dito tapos ikaw naman laro ka nang laro diyan. Anak: Inay, 'di ba mas nakakahiya kung ako ang naglilinis diyan tapos kayo ang naglalaro dito? Huli Sa Balita Misis: Walang hiya ka! Ano yung nabalitaan kong may kabit ka daw na 18 years old? Mister: Naku, huli ka na sa balita, 23 na siya ngayon! May Dalang Flashlight Tatay: ‘Nak, ang daming lamok. Patayin mo yung ilaw para hindi tayo makita. Pagkapatay ng ilaw, lumitaw naman ang mga alitaptap. Anak: Naku ‘Tay! Bumalik yung mga lamok, may dala nang flashlight! Common Sense Isang bata ang nagpasa ng blank paper sa art teacher... Teacher: Bakit blank ang work mo? Bata: Nagdrawing po ako ng baka at damo. Teacher: (tinignan ulit ang papel) San ang damo? Bata: Ubos na po, kinain ng baka. Teacher: (kamot sa ulo) Eh nasaan yong baka? Bata: Ano pa gagawin ng baka dyan, eh wala ng damo? Siyempre umalis na po. Matapang Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nang walang parachute/ Juan: Ohh, totoo? Saan mo naman nabalitaan yan? Pedro: Dun sa burol niya! English Translation Teacher: Juan i-English mo eto. Juan: What ma'am? Teacher: "Ang uwak ay hinang-hinang naglakad." Juan: "The wak wak weak weak wok wok..." True Love Never Dies Anak: Inay, totoo ba na "First love never die?" Nanay: Aba, oo. Tignan mo yang tatay mo, hanggang ngayon, buhay pa!







Comments