VIRAL: Babae, Umiiyak Habang Di-Umano'y Puwersahang Ipinakasal sa Isang Mas Matandang Pulis
- Jan 20, 2018
- 1 min read
Trending ngayon sa social media ang isang babaeng sapilitan umanong ipinakasal sa isang mas matandang lalaki na isang pulis. Ang babae ay kinilalang si Kheda 'Luiza' Goilabiyeva. Ang lalaki naman ay kinilalang si Nazhud Guchigov, chief of police ng Chechen Republic at kilalang malapit din sa Head of Republic.

Ayon sa ulat, na inireport ng viral4real, binantaan umanong i-kidnap ang nasabing dalaga kung hindi siya papayag sa pagpapakasal sa nasabing lalaki. Napag-alamang 17 years old pa lang ang babae, habang ang lalaki naman ay 47 years old na at mayroong anak na mas matanda pa kaysa sa babaeng papakasalan. Mayroon din umanong asawa ang lalaki. Maraming mga larawan ang naglalabasan ngayon sa Internet na nagpapakita na sadyang labag sa kalooban ng babae ang nasabing kasal. Katunayan, nakatungo at nakatayo rin ang babae malayo sa kanyang papakasalang lalaki habang isinasagawa ang kanilang kasal sa Grozny, Russia.

Ayon pa sa ulat, tatlong beses din umanong tinanong ang dalaga kung payag siya sa pagpapakasal sa pulis. Unang isiniwalat ang nasabing kasalan ng isang Russian investigative journalist Elena Milashina sa isang Russian newspaper.

Sa Russia, ilegal ang sinasabing Polygamous marriage. Ang legal na edad din sa pagpapakasal ay 18 years old, bukod na lang kung may pahintulot ito ng awtoridad. (sinulat ni Dave Calpito) ANONG MASASABI NIYO SA VIRAL NEWS NA ITO? I-SHARE ITO SA IBA. Sources: viral4real; Pinoy Viral






Comments