top of page

Dating Beauty Queen at Singer-Harpist, pasok sa Pilipinas Got Talent

  • Jan 20, 2018
  • 2 min read

Pasok na sa next level ang dating Ms. Cagayan 2009 at singer-harpist na si Kimberly Collado, 26, sa Pilipinas Got Talent.

Pinabilib ni Kimberly ang mga hurado sa nasabing programa na sina Vice Ganda, Angel Locsin, Robin Padilla, at FMG. "Happy and grateful that I got 4 yeses," ika ni Kim sa panayam ng Cagayan News. "Ihave more to show for the next round. I will make sure to have a more heartfelt performance." "My goal is to touch the hearts of every Filipinos here and abroad," dagdag pa niya.

Sa nasabing show, ipinakitang si Kim ay naulila noon pang bata siya. Namatay ang kanyang ina noong siya ay nasa Grade 2 pa lang dahil sa ovarian cancer. Namatay naman ang kanyang ama bunsod ng pagpaslang.

Mula noon, ang tatlong lola na lang niya ang nag-aruga at gumabay sa kanya. "Wala po silang ibang ginawa kundi ang alagaan akong mabuti at palakihin po ako nang maayos," ika niya. Isa sa mga kinanta ni Kimberly ay ang "Can't Help Falling In Love" ni Elvis Presley. Pagkatapos niyang mag-perform, naluha ang mga judges sa madamdaming handog na performance niya sa kanyang mga lola. "Excellent" kung ituring ni FMG ang kanyang performance. Tumuon naman sa halaga ng pamilya sa kulturang Pinoy si Robin Padilla. "Naramdaman ko yung pakiramdam na may lola," ika ni Angel. Maliit pa lang daw siya ay nawalan na siya ng lola. Pero nang dahil umano sa ipinakitang emosyon at pagmamahalan nina Kimberly at ng kanyang mga lola, para na rin umano niya na-experience ang pagmamahal ng isang lola sa isang apo. "Maraming-maraming salamat... Thank you... Kumanta ka para sa aming mga apo na gustong umawit sa aming mga lola -- na hindi na namin magawa. Ginawa mo yun for us," ika ni Vice. "You made me miss my lola." (ARTIKULO NI DAVE CALPITO)

*** I-SHARE ANG POST NA ITO SA IBA AT SUPORTAHAN NATIN SI KIMBERLY COLLADO -- ang Lola's Girl ng Cagayan. 


 
 
 

Comments


bottom of page