top of page

Larawan ng magkayakap na lalaki at babae sa Mt. Mayon, trending sa social media

  • Jan 19, 2018
  • 1 min read

Viral ngayon sa social media ang larawan na nagpapakita ng ulap na para bang magkayakap na babae at lalaki habang nag-aalburoto ang Mt. Mayon.

Ang larawang ito ay kuha ng ABS-CBN. Paniwala ng marami, lalo na ang mga Bicolano, ito ay kaygnay ng sinaunang alamat hinggil sa Mt. Mayon. Ang nasabing alamat ay hinggil sa isang dalawang umibig sa isang binatang si Panganoron. Humadlang si Patuga, ang manliligaw ng magandang dalaga, kaya naman nag-resulta ito ng digmaan. Sa nasabing digmaan, namatay ang magkasintahan.

Umusbong umano ang bulkang Mayon kung saan inilibing ang mga labi ni Magayon. 

Marami ang humanga sa nasabing larawan, kaya naman viral ito ngayon sa social media.

Ano ang masasabi mo sa nasabing larawan? I-share ito sa iba.

(Artikulo ni Dave Calpito)


 
 
 

Comments


bottom of page