top of page

ALAMIN: Mga Senyales na Maaaring Niloloko Ka ng Iyong Kasintahan

  • Jan 19, 2018
  • 2 min read

Isang pag-aaral noong April 2015 na isinagawa ng Journal of Marital and Family Theraphy ang nagsasabing 57 percent ng mga lalaki at 54 percent namang mga babae ang naging "unfaithful" sa kanilang ka-partner habang sila ay nasa relasyon. Kung palaisipan sa'yo kung tapat ba ang iyong kasintahan o niloloko ka lang ba niya, naririto ang listahan ng mga senyales na may posibilidad na hindi siya faithful sa iyo:

1. HINDI KA IPINAPAKILALA SA KANYANG MGA KAPAMILYA AT KAIBIGAN Oo't maaaring hindi pa "ready" ang iyong kasintahan na ipakilala ka sa kanilang mga close friends o sa kanilang mga kapamilya, ngunit mayroon ibang talagang iniiwasan lang nilang ipakilala ka sa mga taong malapit sa kanila. Kapag sa tingin mo ay obvious nang ayaw kang ipakilala sa kanilang mga kaibigan at kapamilya, malaki ang tiyansa na hindi siya seryoso sa iyo. 2. NAG-CHEAT SIYA SA KANIYANG DATING KARELASYON Minsan, totoo ang kasabihang "once a cheater, always a cheater." Kung, halimbawa, ay sa tagong relasyon kayo nagsimula, dahil hindi alam noon ng kanyang ex na kayo na, may tiyansa na maaaring gawin din niya ito sa'yo.

3. HINDI SIYA SWEET SA HARAPAN NG MGA TAO Kung napapansin mong iniiwasan niyang hawakan ang iyong kamay o yakapin man lang sa harap ng ibang tao, may tiyansa na maaaring may iba pa siyang pinopormahan bukod sa iyo. O 'di naman kaya, baka gusto niyang magmukha siyang single sa mata ng mga tao. 4. PINAGHIHINALAAN KANG NILOLOKO MO SIYA 

Merong sinasabing "projecting," kung saan isinisisi sa iyo ng iyong kasintahan ang "maaaring" gawaing kanyang ginagawa, dahil ayaw niyan mabunton sa kanya ang sisi. Kung, halimbawa, gusto ng iyong kasintahan na imbestigahan ang iyong cellphone, gawin mo rin ito sa kanya. Tingnan mong mabuti kung paano siya mag-react. Ilan lamang ang mga nabanggit sa itaas na mga senyales na hindi tapat sa iyo ang iyong kasintahan. Kung sa tingin mo ay mayroon ang mga senyales na ito, maiging magtaka at tingnang mabuti kung tapat ba siya sa iyo o hindi. (Artikulo ni Dave Calpito) I-SHARE ANG POST NA ITO SA IBA. Reference: https://www.bustle.com/articles/94848-10-early-signs-youre-dating-a-cheater-because-no-one-just-forgets-to-delete-their-tinder 


 
 
 

Comments


bottom of page