Pinakamababang temperatura sa Tuguegarao City, pumalo sa 17 degrees Celcius
- Jan 14, 2018
- 1 min read
Naitala nitong Enero 13, Sabado, ang pinakamababang temperatura sa Tuguegarao City na 17 degrees celcius.

Ayon kay weather forecaster Lito Aquino, base sa ulat ng bomboradyo.com, nai-record ang nasabing temperatura bandang 6:30 ng umaga sa nasabing araw. Mas mababa pa ito kaysa sa 18.5 degrees celcius na naitala noong Biyeres, Enero 12. Naitala ang pinakamainit na temperatura noong May 11, 1969 sa Tuguegarao City, kung saan pumalo ang temperatura sa 42.2 degrees celcius.








Comments