top of page

3 Tips Para Maiwasan ang Mabahong Hininga

  • Jan 9, 2018
  • 1 min read

Naranasan na siguro nating lahat na magkaroon ng kausap na may mabahong hininga. Hindi lang ito nagiging sagabal sa pakikipag-usap, maaari din itong makaapekto sa iyong reputasyon bilang isang tao. Dahil dito, kailangan na gawin mo ang lahat upang hindi ka magkaroon nito.

Magsipilyo nang dalawang beses sa isang araw

Huwag kalimutan na magsipilyo ng kahit dalawang beses sa isang araw. Ito ay upang palaging malinis ang parte na ito ng katawan.

Mag-gargle ng apple cider vinegar bago matulog

Ang paggamit ng apple cider vinegar ay nakakatulong upang mapatay ang mga bacteria na nasa bibig. Mas hindi na mangangamoy ang iyong bunganga kung nagkataon.

Gumamit ng mouth wash

Mas magiging epektibo ang paglilinis ng bibig kung ipapares ang pagsisipilyo sa pagmumog ng mouth wash.

Upang mawala ang pagiging mabaho ng iyong hininga, kailangan lang talaga ng dedikasyon para ito ay mangyari. May mga bagay lamang gaya ng mga nabanggit sa taas na kailangang gawin palagi.


 
 
 

Comments


bottom of page