top of page

3 Bagay na Puwedeng Gawin Para Maiwasan ang Balakubak

  • Jan 8, 2018
  • 1 min read

Naranasan na nating lahat ang magkaroon ng balakubak. Ang balakubak o dandruff ay isang problema sa buhok na puwede namang masolusyonan sa lalong madaling panahon. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga puwedeng gawin upang hindi magkaroon ng balakubak:

Maging mapili sa pagbili ng shampoo

Ang ginagamit mong shampoo ay maaaring makatulong sa hindi pagkakaroon ng dandruff. Pumili ka ng shampoo na may zinc pyrithione at salicylic acid. Ang zinc pyrithione ay nagtatanggal ng bacteria at fungus habang ang salicylic acid ay nag-aalis ng dandruff flakes.

Magpahid ng aspirin sa anit

May salicylic acid din ang aspirin kaya makakaiwas ka sa dandruff kung ipapahid mo ang dalawang dinurog na aspirin sa anit sa loob ng dalawang minuto pagkatapos maligo.

Basain ang anit ng apple cider vinegar

Ang acidity ng apple cider vinegar ay nakakatulong sa pagtaas ng pH levels ng anit dahil sa acidity nito.

Ang pag-iwas na magka-balakubak ay hindi madali lalo pa at maraming puwedeng maging sanhi nito. Pero puwede itong gawin kung gugustuhin mo.


 
 
 

Comments


bottom of page