Simpleng Paraan Para Mapatalas Ang Memorya
- Jan 6, 2018
- 1 min read
Ang pagiging makakalimutin ang isa sa mga madalas na problema ng mga tao, may edad man o hindi. Kung nagkakaroon ka ng ganitong problema, muling patalasin ang iyong memorya sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
Ilista ang kailangang gawin sa araw-araw. Ang listahang ito ay iyong magiging paalala para sa mga dapat gawin na maaari mong makalimutan. Siguraduhing nasa lugar na madali mong makuha ang listahan upang siguradong hindi mo ito makalimutan.
Sumagot ng ilang puzzle. Ang ilang mga puzzle at math problems ay makakatulong upang mapabilis ang pagtakbo ng iyong utak at mapigilan ang pagiging makakalimutin. Maski mga simpleng mga tanong lang sa pagkuwenta ay makakatulong sa pagpapatalas ng memorya.

Kontrolin ang bisyo. Ang bisyo gaya ng pag-inom ng alak at paninigarilyo ay epektibo para sa pagpapabuti ng memorya.

Mag-ehersisyo. Ang mga ehersisyo ay makakatulong upang pagbutihin ang daloy ng oxygen sa utak na siyang nagpapaayos ng mga proseso sa utak at makakatulong sa memorya.






Comments